Mga In-Person Interprinter
May mga kawani ang Duke na bilingual at bicultural interpreter na maaaring gamitin sa Duke University Hospital, sa mga klinika sa Duke University Hospital, at sa Duke Regional Hospital. Ang mga kawaning interpreter sa Duke University Hospital at sa mga klinika ng Duke University Hospital ay bihasa sa Spanish, Arabic, at French. Para sa iba pang mga wika at lokasyon, kasama na ang Duke Raleigh Hospital, ang iyong tagapag-schedule ng appointment ay maaaring maghanda ng in-person interpreter kapag gumawa ka ng appointment (na may 48 oras na paunang abiso).
Dahil sa mga paghihigpit sa COVID-19, ang mga klinika sa Duke University Hospital and Duke University Hospital ay nagbawas ng mga oras.
- Magagamit ang mga Spanish na interpreter mula 7:00 ng umaga hanggang hatinggabi pitong araw sa isang linggo.
- Magagamit ang mga Arabic at French na interpreter mula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi sa mga araw ng trabaho at nagbibigay ng on-call na serbisyo 24 oras bawat araw, pitong araw sa isang linggo.
Sa Duke Regional Hospital, ang in-person na Spanish interpreter ay ibinibigay 24 oras bawat araw, pitong araw sa isang linggo. Suportado ang serbisyo ng interpreter para sa lahat ng ibang wika sa pamamagitan ng serbisyo sa telepono o video sa telepono o sa pamamagitan ng video.
Mga Serbisyo sa Telepono
Kapag ang mga in-person na interpreter ay hindi opsiyon dahil sa lokasyon ng appointment o pagkahanda ng kawani, magagamit ang mga in-house na interpreter namin sa Spanish, Arabic, at French sa pamamagitan ng telepono. Para sa iba pang mga wika, gumagamit kami ng serbisyo ng interpreter sa telepono, na sumusuporta sa 150 na wika nang 24/7. Mas mahusay para sa tagapag-schedule ng iyong appointment na maghanda ng mga serbisyo ng interpreter sa telepono bago ang iyong appointment, kung maaari, para makapaghanda kaming masapatan ang iyong mga pangangailangan. Ang mga bagong pasyente at mga pasyente na wala sa mga record nila ang impormasyon sa gustong wika ay maaaring humiling ng serbisyong ito bago ang kanilang appointment.
Mga Serbisyong Naka-batay sa Video
Kapag ang in-person na kawani ay hindi magagamit para mag-interpreter sa Duke University Hospital, sa mga klinika ng Duke University Hospital, at sa Duke Regional Hospital, maaari nilang gawin ang pag-interpret sa pamamagitan ng video, na karaniwang ginagamit ay ang Duke iPad. Para sa iba pang mga wika at lokasyon, ang mga kinontratang interpreter ay magagamit sa pamamagitan ng video sa mga iPad at iba pang mga mobile device.
Para sa mga appointment (virtual) ng telehealth, ang mga serbisyo sa wika ay ibinibigay sa pamamagitan ng isang plataporma ng video conferencing tulad ng Zoom. Ang kasama sa iyong sesyon ay ikaw, ang iyong doktor, at ang interpreter. Ang lahat ng serbisyong nakabatay sa video ay maaaring i-set up ng iyong tagapag-schedule kapag ikaw ay gumawa ng iyong appointment.
Sign Language
Ang iyong tagapag-schedule ay maaaring maghanda ng isang in-person na interpreter sa sign language kapag ikaw ay gumawa ng iyong appointment sa alinmang lokasyon ng Duke Health. Kung ang isang in-person na interpreter ay hindi magagamit, maaaring magbigay ang Duke ng serbisyo ng ASL interpreter na nakabatay sa video.